Monday, June 27, 2011

Ok na Sana

Ok na sana, mas nauunawaan na kita nitong mga nagdaang araw dahil sa nakikita kong katayuan at kalagayan mo, mas nakakaawa ka.

Nakakagulat lang na malaman na nagagalit ka pala sakin. Sa anong kadahilanan? Dahil ba sa mga stats ko sa YM? Bakit ka apektado? Sigurado ka bang para sayo un? Wag kang magreact kung hindi ka guilty. Tanggapin mo kung tinatamaan ka.

Pinasok mo kung anuman ang sitwasyon mo ngayon, sana naisip mo at napaghandaan mo ang mga consequences hindi yung ikaw pa ang may ganang magalit sa mga taong CONCERN sayo.

Kung di mo naiintindihan ang salitang CONCERN, eh malaki na nga problema mo dahil naiisip ko baka sarili mong pamilya di mo pinapakinggan, pano pa kya ang mga itinuturing mong mga KAIBIGAN na ang gusto lang ay maging maayos ang iyong kalagayan pero ikaw pa ang may ganang magalit.

Kahit saang anggulo, ikaw ang mali pero pilit ka naming iniintindi tapos ano ang ipapalit mo sa pang unawang binibigay sayo? Ang magalit ka? Kasi ano? Guilty ka? Apektado ka? Eh kahit siguro sabihan ka ng mga ganung salita eh hindi mo na nararamdaman dahil nabubulagan ka na.

Sana kahit konti maisip mo na may mali ka, hindi yung ituturo mo sa iba kung anong pagkakamali mo. Tandaan mo, isang dalari lng nakaturo sa iba pero ung apat eh sayo nakaturo.

Siguro nga hindi worth na ituring kang kaibigan. Dahil hindi mo din pinapahalagahan ang pagpapahalaga sayo ng mga taong pilit na umuunawa sayo.

No comments:

Post a Comment